Florante at Laura - Himagsik Laban sa Maling Kaugalian

Mga Pagsusuri at Anotasyon sa Florante at Laura
Chieve Llavore

Si Francisco Balagtas ay may apat na himagsik sa sikat niyang Florante at Laura. Sa blog na ito, malalaman niyo ang isa sa mga himagsik niya, ang himagsik laban sa maling kaugalian. Ang himagsik na ito'y tumutukoy sa mga kamalian at kasalanan nang mga tauhan sa awit, hindi mabuting kaugalian ng lahi, masagwang pagpapalayaw sa anak, pagkamainggitin at pagkamapanghamak, mapaghiganti sa kaaway, pang-aagaw ng pag-ibig, at masamang ugali sa lipunan.

Sa kasalukuyan, ang pinakamalaking problema ngayon sa Pilipinas ay ang kakulangan sa trabaho. Ito ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit hindi umuunlad ang ating bansa. Dahil sa kakulangan sa trabaho, marami ang napipilitang gumawa ng krimen kagaya ng pagnanakaw o di kaya'y magbenta ng ipinagbabawal na droga upang matustusan ang pangangailan ng kanilang pamilya sa araw araw. Maraming tao ang nagsasabi na ang pangunahing ugat ng kahirapan ay droga. Ngunit kung susuriin nating mabuti, walang sinuman ang gagamit ng ipinagababawal na gamot kung sapat ang trabaho sa Pilipinas. Ang iba'y idinadaan na lang ang problema sa pamamagitan ng gamot na 'to.

Pagkatapos ng kolehiyo, marami kaagad ang maghahanap ng  matinong trabaho upang mapaganda ang buhay nila kapag sila'y tumanda. Iyon nga lang, ang trabahong humihintay sa bilyon bilyong estudyante ay isang baso ng tubig lang na ipagkakasya sa kanilang lahat. At ito na rin ang ugat ng kahirapan sa Pilipinas. 

Maaaring tanungin niyo ako kung bakit ang blog na ito'y tungkol sa himagsik laban sa malupit na pamahalaan kung ang mga sinasabi ko'y tungkol sa kawalan ng matitinong trabao sa bansang ito. Ngayon, ipapaintindi ko sa inyo.

Kung walang trabaho sa Pilipinas, maghihirap ang ibang tao at hindi na nila kakayanin ang kanilang sitwasyon. Maghahanap sila ng paraan upang mabuhay at ibuhay ang kani kanilang mga sarili. At dito na papasok ang mga trabahong hindi marangal na mas lalong nakakasira ng karangalan ng ating bansa. Ito na ang isa sa mga implikasyon ng maling kaugalian. Kung ang mga taong ito'y may mga anak na, ito'y magiging maling pagpapalayaw sa anak na isa rin sa mga ipinapahiwatig ng himagsik na ito.

Sa Florante at Laura, mayroong karakter na si Konde Adolfo kung saan siya'y kontra bida ng awit. Sinisimbolo ni Konde Adolfo ang masasamang kastila noong unang panahon at siya rin ay isang taksil, mapaglinlang, at mainggitin. Siya'y sakim na klase ng tao at siya ang pangunahing halimbawa ng taong may masamang ugali.





Llavore, Chieve.  Florante at Laura - Himagsik Laban Sa Malupit Na Pamahalaan, Blogger, 6 May 2018, dynamicag.blogspot.com/2018/05/mga-pagsusuri-at-anotasyon-ni-chieve.html.

Sanggunian: www.slideshare.net  |  www.pinoyexhange.com

Comments

  1. Thank you so much. It helped me a lot in our research for Florante at Laura.

    ReplyDelete
  2. Thank you so much! This literally helped me.

    ReplyDelete
  3. Is it okay if I share this to some of my friends? They need a little help too.

    ReplyDelete
  4. Briefly reminds us of how envy and hatred could arise in other people if you hold power much greater than theirs. Though people see you as a threat, theres no reason to back down from a fight if you believe that your motives are for the better. Nice insight and what a good read!

    ReplyDelete
  5. Makikita na malaki ang impluwensya ng galit sa isang tao. Ngunit dito ay binigyang-liwanag na ang kabutihan ay mananaig kaysa sa kasamaan. Mahusay, Chieve.

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. Hindi nakakasawang ulit-ulitin😊😊

    ReplyDelete
  8. Excellent piece of work, worth the read :)

    ReplyDelete
  9. napakaganda, nawa'y masundan pa ito at maipagpatuloy mo ang pagsusulat

    ReplyDelete
  10. Magaling ang iyong pagkakasulat at pagpapaliwanag. Mahusay!

    ReplyDelete

Post a Comment