Florante at Laura - Himagsik Laban sa Maling Kaugalian
Mga Pagsusuri at Anotasyon sa Florante at Laura Chieve Llavore Si Francisco Balagtas ay may apat na himagsik sa sikat niyang Florante at Laura. Sa blog na ito, malalaman niyo ang isa sa mga himagsik niya, ang himagsik laban sa maling kaugalian . Ang himagsik na ito'y tumutukoy sa mga kamalian at kasalanan nang mga tauhan sa awit, hindi mabuting kaugalian ng lahi, masagwang pagpapalayaw sa anak, pagkamainggitin at pagkamapanghamak, mapaghiganti sa kaaway, pang-aagaw ng pag-ibig, at masamang ugali sa lipunan. Sa kasalukuyan, ang pinakamalaking problema ngayon sa Pilipinas ay ang kakulangan sa trabaho. Ito ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit hindi umuunlad ang ating bansa. Dahil sa kakulangan sa trabaho, marami ang napipilitang gumawa ng krimen kagaya ng pagnanakaw o di kaya'y magbenta ng ipinagbabawal na droga upang matustusan ang pangangailan ng kanilang pamilya sa araw araw. Maraming tao ang nagsasabi na ang pangunahing ugat ng kahirapan ay droga. Ngunit ku...